Stemborer

Scirpophaga innotata, Scirpophaga incertulas

Insects

PANAHON NG PAG-ATAKE

Pagsusuwi hanggang pagsasapaw.

Kilala rin sa tawag na: Aksip, Tamasok, Bagumbong, Rusot, Barat at Alibangbang 
 
Ang Yellow Stem Borer o YSB ay makikita sa buong Pilipinas samantalang ang mga White Stem Borer o WSB naman ay karaniwan sa Visayas at Mindanao. Kinakain ng larvae o uod ng stemborer ang mga murang dahon at talbos ng palay na sa kalaunan ay natutuyo. Pumapasok din ito sa puno o katawan, tangkay at talukap ng dahon (leaf sheath) at doon kumakain at nag-iiwan ng butas. Nagpapalipat-lipat ang uod sa iba't-ibang suwi ng palay. Ang uod ng YSB ay may katawan na mapusyaw na dilaw ang kulay samantalang kulay puti naman ang mga WSB.