Leaffolder
Cnaphalocrosis medinalis
Insects
PANAHON NG PAG-ATAKE
Karaniwang umaatake sa pagsusuwi hanggang pagsasapaw.
Kilala rin sa tawag na: Mambibilot, Maniniklop, Likis-likis at Lukot-lukot
Umaabot sa 15-20% ang kabawasan sa ani kapag may matinding pag-atake ng leaffolder. Ang uod o larvae ng leaffolder ay ang pumipinsala sa palay. Ito ay kumakain at nanunuklap ng leaf tissue ng palay. Tinitiklop nito ang dahon at sa loob ng pina-ikot na dahon ito namamahay at kumakain. Uunti-untiin nitong ubusin ang berdeng bahagi ng dahon sa panahon ng kanyang pananatili sa loob nito hanggang sa ito ay maging pupa.
Damage