Fall Armyworm
Insects
Panahon ng Pag-Atake
Umaatake ang FAW sa lahat ng yugto ng buhay ng mais ngunit sila ay karaniwang makikita mula dalawang linggo hanggang ika-tatlong buwan mula sa pagkatanim. Maaari rin itong umatake sa bulaklak at bunga ng mais. Malaki ang pinsala sa mais kapag 3-4 na cm haba na ang FAW.
Ang Fall Armyworm o "FAW" ay mapanirang uod na kumakain at nagdudulot ng butas sa dahon, bulaklak at bunga ng mais na maaaring makapagdulot ng 30-60% na kabawasan sa ani. Ito ay nagmula sa South America at kumalat patungong India hanggang sa Pilipinas. Ang maagap na pagpuksa sa FAW ay ang pinaka-epektibong paraan upang mapigilan ang pagkasira ng ani. Ang pinakamadaling paraan upang makilala ang FAW ay sa pamamagitan ng pest scouting. Ito ay ang madalas na pagbisita sa taniman at pag-obserba sa pinsala na dulot ng FAW. Ang uod ay ang mapaminsalang bahagi ng buhay ng FAW. Ang mga magulang o gamu-gamo na FAW naman ay maaaring makalipad sa malalayong lugar, na dahilan ng mabilis nitong pagdami at pagkalat sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Ang FAW ay kadalasang nakatago sa loob ng usbong na dahon. Ang mga palatandaan ng FAW:
1. Sa ulo ng FAW ay may kulay puting marka na tila pabaliktad na letrang "Y"
2. Mayroong apat (4) na tuldok na hugis parisukat sa puwitan ng uod
3. Ang ibabaw na bahagi ng FAW larvae ay mayroong mga tuldok na tila hugis trapeseo o "trapezoid"