You are here

Thrips

Thrips
Thrips tabaci

Insects

Kilala rin sa tawag na: Hanip, Kuto

 

Ang Thrips o mga hanip ay maliliit na insekto na sumusugat at nanginginain sa mga dahon. Karaniwang matatagpuan ang mga ito sa parteng leeg o labas ng balat ng dahon ng sibuyas.  

Ang uod at inahin ay parehong mapaminsalang yugto ng Thrips. Ang mga itlog ay inilalagak sa loob ng tissues ng halaman at sa ibabaw ng dahon. Ang mga uod ay mapusyaw na berde o dilaw ang kulay at ang mga inahin naman ay kulay kayumanggi at kadalasang mas malalaki at mas maiitim kaysa sa mga lalaking hanip.

Damage

  • Mas gustong atakihin ng mga hanip ang malalambot na parte ng dahon ng sibuyas. Sinsugat nila ang mga ito at inuubos ang katas ng mga dahon.
  • Ang kanilang pag pinsala ay nagdudulot ng "silvery blotches" o pagkakaroon ng mga pekas na kulay kayumanggi sa mga dahon.
  • Ang pag-atake ng mga hanip ay maaaring magpaantala sa  normal na pagtubo ng halaman at kung hindi maagapan, maaaring magdulot ito ng maliliit at iregular na hugis ng sibuyas dahilan upang bumaba ang ani.
  • Ang mga sugat na dala ng pag-atake ng mga hanip ay  dahilan din upang makapasok ang sakit.