Rice Bugs

Leptocorisa acuta, L. oratorius

Insects

Kilala rin sa tawag na: Atangya, Dangaw at Tiyangaw
 
Ang Rice Bug ay umaatake sa palay sa pamamagitan ng pagsipsip sa katas ng butil sa panahon ng paglalaman lalo na sa malagatas na yugto. Ang inakay at matandang Rice Bug ay pawang mapanira sa palay. Kulay berde at bahagyang nagiging kayumanggi ang kulay ng mga ito habang tumatanda. Aktibo ang Rice Bug sa umaga at hapon, ngunit sa kasagsagan ng tirik ng araw, nakatago sila sa ilalim ng tangkay o sa mga damo. Naglalabas ng mabahong amoy ang Rice Bug kapag ito ay nalalapitan o naiistorbo. Ito ay kanilang pamamaraang pagdepensa.