Red Spider Mite

Tetranychus urticae

Insects

Panahon ng Pag-Atake:

Umaatake mula makalipat-tanim hanggang sa pamumunga 

Ang Red Spider Mites ay sumipsip ng katas ng halaman. Kapag masyadong mataas ang kanilang populasyon, maaaring matuyo at malaglag ang mga tinamaang parte.

Ang mga itlog ng Red Mites ay pahaba at karaniwang nilalagak sa ilalim ng dahon. Ang mga uod ay napakaliliit at kamukha ng kanilang inahin.  Ang mga inahin ay may mapusyaw na kahel o pulang kulay. Mas malaki sila sa mga uod at bilog na pahaba ang kanilang hugis. Karaniwang matatagpuan din sila sa ilalim ng dahon.