Mango Leafhoppers
Idioscopus clypealis
Insects
Panahon ng Pag-atake
Mula sa pag usbong ng bulaklak hanggang sa pag usbong ng mga bunga
Ang Mango leafhoppers ay kilala rin sa tawag na Talakitik. Ang leafhoppers ay isa sa mga pinakamapaminsalang peste sa mangga. Maaaring umabot ng hanggang 20 - 100% ang bawas sa ani na dulot ng talakitik kung hindi ito maagapan. Ang mga inakay at mga inahin ay wedge-shaped at may malalapad at pabilog na ulo. Parehong nimpa/inakay at inahin ay mapaminsala at sumisipsip ng katas ng halaman. Ang mga inahin ay maitim na kulay kape at ang mga inakay naman ay madilaw ang kulay at may pulang mga mata. Ang pesteng ito ang nagdudulot ng pagkakaroon ga sooty mold sa mangga.
Damage