Leafminers

Liriomyza trifolii

Insects

Ang leafminer ay isa sa mga pinaka-importanteng peste ng iba’t-ibang gulay at ornamentals sa buong bansa. Ang insektong ito ay kabilang sa grupo ng mga langaw. Tinutusok ng inahin ang kaniyang ovipositor upang makapangitlog  dahilan upang magkaroon ng sugat ang dahon. 

Karaniwang tawag sa mga ito ng magsasaka ay ahas ahas o jet dahil ang pinsalang dulot nila ay mistulang mga mina o tunnel sa ibabaw ng dahon. 


Ang uod at inahin ay parehong mapaminsalang yugto ng Leafminer. Ang mga itlog ay inilalagak sa ibabaw ng mga dahon. Ang mga uod ay maliliit lamang na may mapusyaw na dilaw na kulay at walang paa. Ang mga pupa o uod tulog ay nanatili sa ibabaw ng mga dahon at ang iba naman ay nahuhulog sa lupa upang doon magpalaki. Ang mga inahin ay lumalabas 6-10 na araw matapos maging pupa o uod tulog.