Corn Earworm

Helicoverpa armigera

Insects

RECOMMENDED SOLUTION

Alika 247 ZC

Kilala rin sa tawag na: Ulod sa Puso (Cebuano)
 
Ang corn earwom o CEW ay laganap dahil mabilis itong magparami at may kakayanan ang uod na kumain ng iba't ibang bahagi ng mais katulad ng dahon, bulaklak, buhok (silk) at bunga. Kapag umatake ang CEW habang namumulaklak ang mais, maaari nitong kainin ang murang buhok ng mais na nagiging dahilan ng pagkabulok o kakulangan sa butil sa dulong bahagi ng bunga.
 
Ang CEW ay mayroong kulay kahel (orange) na ulo at ang katawan nito ay maaaring maging kulay berde, dilaw, kayumanggi o itim. Ang katawan nito ay mayroong maitim at mapusyaw na linya mula ulo hanggang sa dulong bahagi ng katawan. Nagbabago ang kulay ng katawan nito depende sa parte ng halaman na kanyang kinakain habang ito ay lumalaki. Ang katawan nito ay mayroon ding mga balahibo o buhok.
 
 Ang CEW ay agresibo at kumakain ng kapwa uod na kauri nito, at dahil dito kadalasan ay isang CEW lamang ang makikita sa bawat bunga ng mais.