Common Cutworm (CCW)

Spodoptera litura

Insects

PANAHON NG PAG-ATAKE

Kadalasang umaatake ang pesteng ito mula sa pagsibol hanggang sa mag-isang buwan ang mais ngunit marami na ring mga nababalitaang pamiminsala nito hanggang sa ikalawang buwan mula pagkatanim.

Kilala rin sa tawag na: Harabas (Tagalog), Tagus-tus (Panay), Anogba (Cebuano) at Arabas (Ilocano)
 
Ang Common Cutworm o CCW ay literal na pumuputol ng dahon o maging ng mga murang tangkay ng mais.
 
Kapag ang itlog ng CCW ay napisa, ang katawan ng mga maliliit na uod ay kulay puti na mayroong itim na ulo. Ang mga malalaking uod nito ay kulay itim o berde na may dilaw na pahabang guhit mula ulo hanggang sa puwitan. Ang pinaka prominenteng palatandaan ng CCW ay ang dalawang malaking itim na tuldok sa batok ng uod.