Cecid Fly
Procontariania frugivora
Insects
Panahon ng Pag-atake
Mula sa pag usbong ng mga bunga hanggang sa pag develop at paghihinog

Ang Cecid Fly ay kilala rin sa tawag na: Kurikong, Buti, Armalite, Nora-Nora, Saksak-Walis. Ang Cecid Fly ay isa sa pinakamapanirang peste dahil maaaring ubusin nito ang kita ng mga magmamangga. Umaabot ng 70-100% ang kabawasan sa ani kung hindi maagapan ang Cecid Fly. Ang mga itlog ng Cecid fly ay napaka liliit at inilalagak sa ibabaw ng prutas. Ang mga uod o maggot ang mapaminsalang yugto at ito ay may sukat na 1-2 mm at dilawin o kulay kahel. Bumubutas at nanginginain sa prutas ng mangga ang mga ito. Ang mga uod tulog ay nananatili sa lupa bago maging inahin. Ang mga inahin ay 1-2 mm ang sukat at aktibo tuwing dapit hapon.
Damage