Purple Blotch
Alternaria porri
Disease
Panahon ng Atake
Maaaring tumama ang sakit sa kahit anong edad o gulang ng halaman. (Mula Vegetative hangang Maturation hanggang Harvest)
Sanhi ng sakit na Purple Blotch ay ang Fungus o Amag na Alternaria porri. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng pagkasira ng mga dahon ng sibuyas. Maaaring umabot sa halos 50 porsyento ang kabawasan sa ani kung hindi maagapan.
Mas dumadami ang insidente ng sakit na Purple Blotch sa panahong maulan at mataas ang tubig o basa sa hangin. Maaari ding makapasok ang sakit sa mga sugat na dulot ng pag-atake ng mga insekto.
Damage