Powdery Mildew
Leveillula taurica, Oidiopsis taurica
Disease
Panahon ng Pag-Atake
Lahat ng gulang o edad ng tanim na kamatis ay maaaring tamaan ng sakit (Mula Vegetative hangang Maturation hanggang Harvest)
Ang sakit na Powdery Mildew ay isa sa mga problema ng mga nagtatanim ng kamatis sa bukid maging sa mga greenhouses. Maaaring mag dulot ito ng hanggang 50% ng pagkalugi kung matindi ang impeksyon sa taniman at hindi naagapan.
Ang Fungus o amag na Leveillula taurica o Oidiopsis taurica ang sanhi ng sakit na Powdery Mildew. Ang binhi ng amag ay tumutubo sa panahong malamig o mataas ang basa ng hangin (15-25° C). Maaaring madala ang mga ito ng hangin at malipat sa panibagong malilinis na tanim. Ang Drip at Furrow Irrigation ay mga paaraan ng pagpapatubig na maaring makapagpataas ng insidente ng sakit sa taniman.
Damage