Mango Stem-End Rot

Dothiorella dominicana, Phomopsis spp., Alternaria alernanata, Botryodiplodia theobromae and Lasiodiplodia theobromae

Disease

Panahon ng Pag-Atake

Kadalasang makikita ang sintomas ng sakit sa mga hinog na prutas o tuwing "ripening stage" ng mangga ngunit maaari ring tumama sa mga bulaklak at mga murang edad ng  prutas at tangkay. 

 
syngenta crop program recommendation

Ang sanhi ng sakit  na Diplodia ay ang Fungus o Amag (Complex Fungal fruit disease (Dothiorella dominicana, Phomopsis spp., Alternaria alernanata, Botryodiplodia theobromae and Lasiodiplodia theobromae).  Ang amag na ito ay natural nanamamalagi sa mga sanga ng mangga at maaaring dumami o kumalat sa mga tangkay ng prutas bago ito maani. Ang mga prutas na nilalagay lang diretso sa lupa para tanggalan ng dagta ay maaaring kapitan ng binhi ng sakit at magka-impeksyon na nanggagaling sa mga balat, sanga, o sa mismong lupa.