Late Blight

Phytophtora infestans

Disease

Panahon ng Pag-atake

Lahat ng gulang o edad ng tanim na kamatis ay pwedeng tamaan ng sakit (Mula Vegetative hangang Maturation hangang Harvest)                                                       

Lahat ng parteng ibabaw ng tanim, pero kadalasang unang makikita ang sakit sa dahon ng kamatis.

 
syngenta crop program recommendation

Ang Late Blight ang isa sa mga pinakamapanirang sakit ng kamatis na nagdudulot ng pagkalugi sa mga nagkakamatis taun-taon dito sa Pilipinas. 

Ang sakit na ito ay sanhi ng mala-amag na Oomycetes (Phytophthora infestans).

Inaatake ng Late Blight ang mga Solenaceous na tanim gaya ng kamatis at patatas. Hindi ito nabubuhay sa lupa kundi, ang mga binhi nito ay maaaring manggaling sa mga katabing taniman na may sakit at maaaring maikalat sa pamamagitan ng tubig galing sa irrigation, patak ng ulan, o kaya naman dala ng hangin.

Ang amag ay maaaring magparami ng binhi sa kahit anong klaseng temperature ngunit mas paborable sa pagdami ng binhi at pagtaas ng insendente ng sakit na Late Blight ang malamig at maulang panahon.

Ang amag na Phytophthora ay maaaring manatili at mabuhay sa mga pinutol o patay na parte ng kamatis at patatas o maaaring sa mga binhi ng patatas.