Early Blight

Alternaria solani

Disease

Panahon ng Pag-Atake

Lahat ng gulang o edad ng tanim na kamatis ay pweding tamaan ng sakit (Mula Vegetative hangang Maturation hangang Harvest)

syngenta crop program recommendation

Ang Early Blight ay isang pangkaraniwang sakit ng kamatis na sanhi ng fungus o amag na  Alternaria solani. Maaaring tamaan ang halaman sa kahit anumang yugto nito at nagdudulot ito ng matinding pagkasira ng dahon, mga tangkay, at maging ang mga bunga kung hindi maagapan.

Ang mga binhi ng Early Blight ay maaaring manatili at mabuhay sa mga tinanggal na apektadong parte ng halaman at maaaring mabuhay din sa lupa.   

Ang mga binhi ay maaaring maikalat sa pamamagitan ng hangin at tilamsik ng ulan.  

Kahit tinawag itong "Early" kadalasang makikita ang mga sintomas o palatandaan ng sakit sa mga lumang dahon o mga naunang dahon.